Picture
Nagsagawa ng isang Consumers Forum para sa mga LPG dealers at consumers kasama na ang mga may ari ng gasolinahan dito sa lungsod nitong araw ng Biyernes, Nobyembre 21, 2013.

Napagusapan sa forum na ito ang kasalukuyang kalagayan ng oil industry sa bansa sa pamamagitan ni Engr. Nilo J. Geroche, Chief, Energy Industry Management Division ng Department of Energy Mindanao Field Office na nakabase sa Lungsod ng Dabaw.

Binigyang diin ni Geroche ang kanilang ginagawang regular at surprise inspections sa mga LPG outlets at dealers sa iba’t ibang lungsod sa Mindanao na sakop ng kanilang opisina.

Nagbabala din ito sa mga konsumante ng mga “canisters” na binebenta sa mga tindahan na lubhang delikado at hindi “safe” ang pag refill nito dahil sa nipis nito.

Pinayuhan din ni Geroche ang mga gumagamit ng LPG na palaging tingnan kung tama ang timbang ng LPG na kanilang binibili sa mga outlets.

Lubhang mapanganib din umano ang paglagay ng tangke ng LPG na patagilid o patiwarik. Iwasan din umanong mag sindi ng posporo kapag merong naaamoy na singaw mula sa LPG dahil ito ay maaring maging dahilan ng pagsabog. (cpio/ping aponesto)


 
 
Ilunlunsad ng Department of Trade and Industry-Gensan sa year 2014 ang Bagwis Program.

Ayon kay Gng. Ken Wong ng DTI-Gensan, ito ay isang programa na magbibigay ng “reward” sa mga LPG dealers ditto sa Gensan.

Ito umano ay bilang pagkilala sa mga negosyante ng LPG na sumusunod sa mga batas pangkalakal o trade laws na ini-implementa ng DTI at Department of Energy.

Hinikayat ni Gng. Wong ng DTI-Gensan ang mga LPG dealers sa lungsod na sumali sa Bagwis Program sa susunod na taon.

Ang mga Awards na ibibigay ng DTI ay ang Silver Award at Gold Award.

Samantala, sinabi din ni Gng. Wong na magtatayo din umano ang DTI-Gensan ng Consumer Welfare Desk sa susunod na taon.(cpio/ping aponesto)

 
 
Picture
The month of December is AIDS Awareness Month.

Theme of the celebration is, “Getting ZERO: zero new HIV infections; zero Discrimination; zero AIDS-related deaths”.

Dr. Mely Lastimoso of the Social Hygiene Clinic, has urged people with risky behaviors to avail of their free check up and treatment.

She pointed out that the increase of HIV (+) is indicative of the increase of health seeking behavior which is the objective of the Millenium Development Goal.

Also, the increase of access to HIV maintenance treatment will decline transmission of the disease which leads to reaching the goal that by year 2015 there’ll be no new infections.

In GenSan, the documented number of cases is 129 HIV/AIDS sero-positive (99 males and 30 females) and among them 29 died already (7 females and 22 males).(cpio/jpa)


 
 
PRC on Wheels will be in GenSan from November 25-26, 2013.

It will be held at the MSU Graduate School AVR inside the MSU High School compound.

PRC Davao Regional Office personnel will provide the following services:

1. Processing of applications for examination with deadline of filing, to wit:

Pharmacists – Dec. 23, 2013
Teachers – Nov. 29, 2013 for repeaters
- Dec. 13, 2013 for first timers
Architects – Dec. 27, 2013

2. Renewal of Professional Identification Cards or PIC
3. Registration for teachers for Sept. 2013 passers
4. Request for certification
5. Request for authentication of PRC-issued documents
6. Claim of PRC ID for those w/ prior request thru prc.davao@gmail.com
7. Inquiries
(cpio/ping aponesto)
 
 
Picture
Wagi si 8-division World Champion Manny “Pacman” Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous decision laban kay Brandon “Bambam” Rios sa kanilang laban sa Cotai Arena, The Venetian in Macau.

Napanalo ng Pambansang Kamao ang halos lahat ng round at ito ay nagpakawala ng napakaraming kombinasiyon na mga suntok.

Ang scorecards ay: 120-108; 119-109; 118-110 lahat pabor kay Pacman.

Naging matagumpay ang pagbabalik ni Pacman kung saan napanalunan din nito ang nakatayang WBO International Welterweight belt.

Sabi ni Manny na-miss nya ang Las Vegas at handa siyang lumaban ulit sa US. Di pa nya umano alam kung sino ang susunod niyang kalaban at ito ay magdedepende pa kay Bob Arum.

Ginamit rin ni Pacman ang kanyang bilis, lakas at liksi upang talunin si Rios na mas malaki at matangkad. Ayon kay Manny si Bambam Rios ay isa umanong magaling na boxer.

Samantala, laking tuwa nga mga taga GenSan at Sarangani sa panalo ni Pacman.

Halos umapaw ang tao sa GenSan Oval Court kung saan nagpalabas ng libreng Pacquiao-Rios fight ang lokal na pamahalaan ng GenSan.

Isang Hero’s Welcome din ang inihahanda ng lokal na pamahalaan sa pag-uwi ni Pacman dito sa Gensan.(cpio/jpa)


 

Brgy Ligaya Winners

11/14/2013

 
JU ENTILA, OIC CPIO Nov. 11, 2013

General Santos City – The following is the list of winners and their respective garnered votes in the recent election in Barangay Ligaya this city, to wit:

Punong Barangay

Romy M. Pagaduan 1,031

Barangay Kagawad
Artemio P. Marquez 790
Bon V. Dulay 760
Benbenor T. Salindal 689
Consolacion G. Amantillo 570
Elizabeth P. Sorilla 540
Rogelio C. Laroza 513
Yolanda M. Balabis 481

This list was availed to this Office by the Commission on Elections in this city. / CPIO

 
 
Magpapadala ng mga relief goods ang lokal na pamahalaan ng GenSan para sa mga biktima ng bagyong Yolanda na humagupit sa ilang probinsiya sa Visayas.

Sa pagtitipon na isinagawa ng City Disaster Risk Reduction Management Office, magbibigay umano ng mga bigas, sardinas, noodles, kaldero, at iba pa na aabot sa halagang P3.5-m mula sa calamity funds ng lungsod.

Isusunod umano ang tulong pinansiyal na umaabot sa P6.5-m.

Nanawagan din si Mayor Ronnel Rivera sa mga mamamayan na magbigay ng kanilang donasyon sa City Social Welfare and Development Office.

Nagtayo na ng repacking center ang CSWDO sa oval covered court upang i-repack ang mga bigas, gatas, noodles, kape, sardinas, corned beef, beef loaf, used clothings, at iba pa. (cpio/jpa)

 
 
Gensan Mayor Ronnel C. Rivera and Vice Mayor Shirlyn Banas-Nograles reiterated their campaign promises to our brother Maranaws during the “Kandori” held Wednesday, July 3, 2013.

The two young and dynamic city officials said they will continue to work for the mandatory representation in the city council and the establishment of a muslim cemetery.

They also said that they will work to eliminate discrimination of our muslim brothers especially in applying for employment including his administration’s support to Madaris.

Mayor Rivera also disclosed that under his administration the Sangguniang Panlungsod and the City Chief Executive will coordinate their actions thru the Executive-Legislative Agenda or ELA.

He also bared his plan to establish  strong coordination with Sarangani Province in terms of fishery, tourism and other areas of concern.

Lastly, he also assured our Maranaw brothers and the constituents of Gensan that City Hall welcomes suggestions from the people of Gensan. (CPIO/ping aponesto)
 
 
Picture
Si Nonito “the Filipino Flash” Donaire sa pamamagitan ng TKO (Technical Knock Out)sa 9th round laban kay Vic Darchinyan sa kanilang rematch sa Amerika noong araw ng Linggo, Nov. 9, 2013.

Na knock out si Darchinyan sa 9th round matapos magpakawala ng isang malakas na left hook si Donaire na nagpatumba kay Darchinyan. Dagdag pang malalakas na suntok ang pinakawalan ni Nonito na naging dahilan upang makamit ang panalo.

Sa una nilang paghaharap tinalo din ni Donaire si Darchinyan sa pamamagitan ng KO (knock out).

Laking tuwa nga mga taga GenSan sa panalo ni Donaire. Ang pamilyang Donaire ay minsan nang tumira dito sa GenSan noong si Nonito ay nasa murang edad pa lamang bago lumipat sa Amerika ang pamilya Donaire.

Matatandaan na minsan na rin pinarangalan si Donaire sa pamamagitan ng isang Hero’s welcome nang ito ay umuwi dito sa Gensan noong ito ay kampeon pa sa Superbantamweight Division. (cpio/jpa)